BIANCA Mabilis akong nagbihis at nang matapos ay bumaba na. Tamang-tama lang ang dating ko dahil tapos na sa kanyang buhok at makeup ang abay na nadatnan ko, at saktong ako na ang susunod. Nang matapos gawin ang buhok at makeup ko, umakyat agad ako sa silid na tinutuluyan ko. Nadatnan ko si Mateo na naglalagay ng gel sa buhok. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin dahil saglit akong natulala nang makita kong nakabihis na siya. Hindi maikakaila na gwapo nga siya at talaga namang malakas ang dating ni Mateo, lalo na ngayong pormal ang suot niya. Alam kong kahit sino mang makakita sa kanya, katulad ko, ay mapapansin siya. Napakalinis tingnan ng mukha ni Mateo. Bagay sa kanya ang clean cut na gupit. Mukhang alaga rin ang katawan at matikas pa kung tumayo, kaya hindi na ako magtataka na mar