BIANCA Sa wakas, matapos ang anim na taong pamamalagi sa Singapore, ay nakauwi na si Sheng dito sa Pilipinas. Tuwang-tuwa siya nang bigyan ko ng complementary three-day free stay sa bagong tayong hotel branch namin sa Pasay. Laking tuwa ng best friend ko dahil malapit lang ang hotel sa airport. Tamang-tama raw para sa kanya dahil sinundo pala siya ng kanyang nobyo, at ilang araw rin silang mananatili dito sa Maynila para mamili ng mga gagamitin sa nalalapit na kasal. Nang matapos ang oras ng aking trabaho, pinuntahan ko si Sheng sa hotel para personal na makilala ang mapapangasawa ng kaibigan ko. "Bessy!" Dumadagundong ang malakas na tili ng kaibigan ko nang makita ako. Ang babaeng ito talaga, mag-aasawa na, pero hindi pa rin nagbabago. Kung tumili ay para bang kami lang ang tao dito