BIANCA "Miss, okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalamig?" mahinang tanong ng lalaking katabi ko. Napalingon ako sa kanya at saglit na nagtama ang mga mata naming dalawa dahil nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan at nakatingin rin pala sa akin. "Ah, oo, malamig nga," maikli at nahihiyang sagot ko. Tumayo ang katabi ko at may ginalaw siya sa itaas ng aming ulunan. Hininaan pala niya ang aircon sa tapat ko, kaya kahit paano ay nabawasan ang panlalamig na nararamdaman ko. "How is it?" mahinang tanong ng lalaki na para bang ayaw rin niyang makagawa ng ingay, dahil tulog na ang mga kasama namin habang nakatingin sa akin. "Much better," sagot ko. Nag-thumbs up rin ako at tipid na ngumiti sa lalaking kausap ko. "Dapat magsuot ka ng jacket o kaya long-sleeved na damit. Masyadong manipis