CHAPTER 6
Maria
"Hey are you okay? Kanina ka pa parang wala sa sarili." Tanong nito habang papauwi kami galing hospital.
Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "Okay lang po ako. Napagod lang siguro ako ngayong araw." Rason ko kaya napabuntong hininga ito.
"Okay, you can rest here. Do you want to sleep?" Napailing naman ako at tumingin sa labas ng bintana. Pilit kong iniiwasang magtama ang mga mata namin. Baka kasi pag nangyari yun ay malaman nyang nagsisinungaling ako. Na Hindi ako pagod at sadyang nawala lang talaga ako sa mood dahil sa narinig.
"Hindi na po. Mukhang malapit na naman po tayo sa bahay eh." Sagot ko dito habang hindi pa rin sya tinatapunan ng tingin. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago sumagot ng 'okay'.
Simula ng marinig ko ang usapan nila ay nawalan na ako ng gana. Para bang bumagsak lahat ng resistensya ko sa katawan. Yeah, I'm hurt. Ako naman kasi si gaga eh. Umaasa na mamahalin nya din ako. Na pagkatapos ng mahabang panahon ay mapapansin nya na din ako. Hindi lang dahil ako ang sekretarya nya. Pero dahil may nararamdaman sya sakin.
Sabi nga nila eh. Don't expect because expectation will only lead to disappointment. Pero hindi ako nakinig. Pinairal ko ang malandi kong sarili. Pero wala namang masamang umasa diba? Hindi naman kasi maalis sa isang tao ang umaasa pag may nakikita silang paraan para makamit nila ang nais nilang makamtan.
So umaasa ako. At kita nyo nga naman ang nangyari. Hindi pa nga tuluyang umaangat ang bubbles ko ay binasag nya na agad ito. So harsh. Ganyan ba nito kamahal ang babaeng yun? At Sino sya? Sobrang importante ba sya sa buhay ng boss ko at hindi sya nito makalimutan?
"Maria we're here." Basag nito sa malalim kong pag iisip. Napatingin naman ako sa labas bago sya binalingan. Saglit ko syang tinignan sa mga mata bago tinuon ang mga mata sa steering wheel nito.
"Ahm sige po pasok na po ako sa loob. Mag ingat ka po sa pag uwi." Sabi ko at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ito sa mga mata. Kunot noo ito habang nakatingin sakin pero hindi ko na yun pinansin at baba na sana sa sasakyan.
"Wait maria." Pigil nito sakin kaya agad ko itong nilingon. Lumunok ito bago ako tinignan ng nagtataka. "May problema ka ba? May nangyari ba? Parang okay ka pa naman kanina." Patuloy nito. Binigyan ko ito ng isang ngiti at ipinagpasalamat ko dahil hindi yun lumabas na parang pilit.
"Wala po talaga akong problema boss. Pagod lang po ako. Alam nyo naman po ang mga buntis? Paiba iba ng mood." I said and I'm hoping that he will buy my alibi.
Bumuntong-hininga ito bago tumango. "Okay. Pagkapasok mo ay magpahinga ka kaagad. Baka mapano si baby." Nag aalala nitong turan kaya naman ngumiti ako bago tumango.
"Opo, sige po mag iingat po kayo." Sabi ko bago lumabas ng sasakyan nya. Ilang Segundo lang ay humarurot na ang sasakyan nito paalis.
Napatingin ako sa sasakyan nito na unti-unting nawawala sa paningin ko. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Ngiting may kasamang pait.
Wag kang mag aalala boss. Aalagaan ko si baby. Dahil alam ko naman na kailangan mo sya, kami para hindi ka mapaalis sa posisyon mo sa kompanya.
I know that the company is important to you. Kaya mong gawin ang lahat para sa kompanya.
"Oh bakla! Nandito ka na pala." Bungad sakin ni macey na nasa sofa nakaupo at kumakain ng chips. Inalok pa ako nito ng kinakain pero agad akong tumanggi.
"Hindi na macey. Ahm pagod na din ako eh. Sige sa kwarto lang ako magpapahinga." Sabi ko bago ako tumalikod at umakyat. Rinig ko naman ang pag buntong hininga nito.
Napaupo ako sa kama at napa isip. Bakit Kaya gusto ng mga tao na sumugal no? At kahit na nasasaktan sila ay hindi sila tumitigil na lumaban para sa taong mahal nila. Gaya ko. Sumusugal ako para sa kanya. Mahigit dalawang taon kong kinimkim ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. At ngayon na may pagkakataon akong makuha ang puso nya ay hindi ko sasayingin to'.
Denrick
"So how's your work? Kamusta na ang mga stock holder ng kompanya nyo?" A man asked me. He is not just a man but a friend of mine. Terrence Montero is looking at me intently and waiting for my response. We're here at the bar. But the difference is we are in the VIP room. We want to have some quality time together after our stressful days.
"Oo nga. By the way, did you find someone who can be your wife and the mother of your child?" Dark mijares asked me while maintaining his stoic face.
Binaba ko naman ang hawak na kopita at marahang tumango. Mangha namang tumingin sakin ang kambal na Ibañez bago ang mga ito nag apir sa isa't isa.
"Wow! Iba nga talaga ang kamandag ng isang Denrick Moncuedo!" Manghang usal pa ni Gray ibañez.
"Wala pang tatlong araw nung sinabi sayo ng papa mo yun ah." Nagtatakang tanong ng kakambal nito bago gumuhit ang isang ngisi sa labi nito. Umiling iling na lamang ako sa inasal nila.
Binaba naman ni dark ang hawak nitong kopita bago ako tinignan ng deretso sa mata. "Alam naming ayaw mong paalisin ka sa posisyon mo sa kompanya dahil pinaghirapan mo ang lahat para marating mo yun. Pero hindi naman siguro magiging rason yun para mamulot ka nalang ng kung sino sa daan para maging asawa at magiging ina ng anak mo." Seryosong sabi nito kaya seryoso ko din itong tinignan. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ko sya sinagot.
"Of course not. I'm not like that. Hindi ko sya napulot lang dahil matagal ko na syang kilala at kahit kayo ay kilala sya." Sagot ko dito kaya kumunot ang noo ng tatlo habang seryoso pa rin akong tinitignan ni dark.
"Woah! Sino naman yan pare?" Kuryusong tanong sakin ni terrence.
Inisang lagok ko naman ang natitirang alak na nasa kopita bago ko sila sinagot. "Maria Isabella Dimasali." Sagot ko kaya napatanga sila.
"You mean your secretary?" Manghang tanong ng kambal kaya tumango ako.
"How come na napapayag mo sya? Eh kilala ko yun. Hindi yun papatol sayo." Takang tanong ni black ibañez kaya ngumisi ako.
"Well she just did. And now she's pregnant with my child." Sagot ko kaya lahat sila napaamang maliban kay dark na seryoso lamang ang mga tingin sakin.
"Why? Do you love her?" Seryosong tanong ni dark.
"Of course not. I don't love her and will never love her. I don't want to betray..."
"Denise?" Ngising pagpapatuloy ni dark sa sasabihin ko. Napatango naman ako kaya ang kaninang magaang atmosphere ay biglang naging seryoso.
"Pare Hindi ka pa rin nakakamove on sa kanya? It's been 6 years and yet you still into her." Seryosong turan ni terrence kaya tahimik lamang akong umiinom.
"6 years na yun pare. Denise don't want you to be like this. She loves you very much. Move on." Komento naman ng kambal.
Ngumisi ako. "Easy for you to say that word because you're not in my position." Sagot ko. Napakamot naman ito ng batok at umiiling na binaling nalang ang tingin sa alak nito.
"Yes, we are not in your position to say this pero hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa nakaraan. The time is moving so you should be too. Don't be stuck in the past. Kailangan mong kumilos para mabuhay. Hindi sa lahat ng panahon ay nandyan ang mga taong nakasama mo sa nakaraan. Don't close your heart. Move on from the past for you to be able to proceed in the future." Seryosong turan ni dark kaya tumango ang lahat. Napabuntong hininga nalang ako.
"I can't." Simpleng sagot ko kaya umiling iling sila.
"You can't or you don't want?" Ngising tanong ni dark kaya napaiwas ako ng tingin. Yes, I don't want to open my heart again. I don't want them to replace Denise because Denise will be my one and only.
No one could replace them. No one. Even maria.
**Written by Stringlily**