BIGLANG natigilan si Tricia sa mga narinig. Kitang-kita ni Andriano kung paano napakurap ang babae nang ilang ulit na animo ay hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "Damn that f*ck*r! Hindi ka niya dapat dinamay sa g**o namin!" Mariin na umiling si Tricia, muling tumalim ang mga mata nito sa kabila ng mga katotohanang binunyag niya. "You're lying!" Natigilan siya nang ilang sandali sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang babae. Nagagalit siya at naaawa rito, ang dami na nitong pinagdaanan mula nang makilala siya, ngayon ay ginagamit pa ito ng mga kalaban niya para pabagsakin siya. "Patti." Sinubukan niya itong hawakan sa kamay, ngunit marahas nitong pinalis ang kamay niya. "Don't touch me! Huwag mo akong kakausapin! Ayokong marinig ang boses mo!" sumigaw ito at agad n

