AFB 52

1192 Words

NAKANGITI siyang pinaghila ni Andriano ng upuan nang makapasok sila sa loob ng kitchen. Matapos niyang umupo ay nilapitan naman ng lalaki ang fridge at sinimulang ilabas ang mga kakailanganin nito para sa pagluluto. "Do you need some help?" Nilingon siya ni Andriano at kinindatan bago nagsalin ng malamig na gatas sa baso, saka ibinigay iyon sa kaniya. "I can handle this." Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa ginagawa. Nagkibit siya ng balikat. Dapat lang siguro na pagsilbihan siya nito matapos ng mga pasakit na pinagdaanan niya sa piling ng lalaki. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ito naging masamang asawa sa kaniya, nagbago lang ang lahat nang dahil kina Maggie at Hilda. Naisip niya tuloy, kung wala lang ang dalawa, masaya kaya silang nagsasama ngayon ni Andriano? Buhay kaya an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD