BAGO pa man magsimula ang kasal ng sekretarya niyang si Carol, nahalughog na ni Andriano ang buong simbahan, subalit bigo siyang makita ang babaeng isang buwan na ring gumugulo sa isipan niya. Sinubukan niyang tawagan ang numero nito, ngunit ni minsan ay hindi siya sinagot ng babae. Idinaan na nga niya sa email ang ibig itanong dito, pero sadyang mailap ito sa kaniya. Hindi naman malaman ni Andriano kung tadhana ba o kapalaran. Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya, pero hindi niya ito binigyan ng pansin. Nakapila na sila noong mga sandaling iyon para pumasok sa simbahan. "This is getting annoying!" bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pag-usad ng pila. Gusto na niyang matapos ang kasal na iyon para makausap si Carol. He badly wanted to see Patti, gustong-gusto na niyang makaus

