MALAPAD ang ngiti sa mga labi ni Maggie nang makapasok ito sa nakabukas na pintuan ng mansiyon. Bitbit ng babae ang mga shopping bags nito na may tatak na Tricia's Taste. Agad naman natigilan si Hilda nang sa pagbukas ng elevator, ang babae ang unang bumungad sa kaniya. Mabilis na nangunot ang noo niya nang makita ang ayos nito, maging ang dami ng mga pinamili ng dalaga. "Malapit na kayong ikasal ni Andriano, labas ka pa rin nang labas! Pigilan mo iyang sarili mo dahil kung hindi, ako mismo ang pipigil sa kasal ninyo!" Agad na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Maggie. Ang tuwa na makikita sa mukha nito, napalitan na ng inis. "Oo na! Oo na! Daming echos! Parang bumili lang ako ng bag at mga make up, e. New collection ito, tita! Hindi puwedeng hindi ko ito makuha!" Maarte niyang itinaas a

