MALAKAS niyang ibinato ang baso ng orange juice nang mabasa ang latest comment sa isa sa mga litratong in-upload niya. "Ano raw? Fake? E, mas peke pa ang ilong ng shonget na ito kaysa sa bag ko!" Iritable siyang tumayo at pabagsak na isinara ang laptop. Mas lalo lang siyang nagagalit sa pagbabasa ng mga comment sa post niya. May ilan na nagsasabing mahal daw ang benta niya para sa second hand ng fake bags! "Mga bulag! Hindi marunong tumingin nang authentic!" Kanina ay may nakasagutan na siyang isa sa mga commentors dahil nakilala siya nitong babaeng kabit na sumira sa relasiyon nina Andriano at Patti. Itatapon na ba raw siya ni Andriano kaya naghihirap na siya? "Tingnan n'yo lang! Kapag naging akin na ang lahat, luluwa ang mga mata n'yo sa inggit! Mga hampaslupa!" Natigilan siya sa p

