"Itay, sabi mo, magluluto ka ng adobo?" Umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang mga labi niya. "Hindi naman ito lasang adobo! Luto ng langit ito, e."
Wala sa sariling nakagat ni Andriano ang ibabang labi matapos maalala ang ginawa nila ng dalagang si Patricia kagabi.
Hindi niya alam kung bakit, pero sa dinami-rami ng mga labing nahalikan niya, ang mga labi nito ang bukod-tanging pinakamalambot at pinakamatamis sa lahat. Ngayon tuloy ay hinahanap-hanap niya ito.
"Patricia, anak! Bumaba ka na nang makapag-agahan ka! Pupunta na ako sa karinderya!"
Agad niyang nilingon ang lalaking si Miyong nang marinig ang pagtawag nito sa babae. Tumayo siya at nakangiting nilapitan ito.
"Tay, ako na ang bahala kay Patti. Lumakad na kayo."
"Ha? E, sigurado ka ba? Mahirap gisingin ang anak kong iyon. Tulog mantika!"
Napangiti siya sa sinabi nito. Binalingan niya ang driver niyang si Maui at tinanguan ito. Inutusan niyang samahan ng lalaki si Miyong upang matulungan ito sa paglilipat ng mga nilutong ulam para sa karinderya nito.
Nang makaalis naman ang dalawa, agad na nabaling sa tuktok ng hagdan ang paningin niya. Doon ay natanaw niyang pupungas-pungas si Patricia habang pababa ng hagdan.
Hinintay niya ito sa ibaba. Nakangiti pa niyang nilahad ang kamay nang makalapit ito.
"Ikaw na naman," paos ang tinig ng dalaga. "Dahil sa iyo, parang binibiyak ang ulo ko. Ano bang pinainom mo sa akin?"
"Good morning din." Tinanggap nito ang kamay niya kaya iginiya na niya ang babae patungo sa mesa. "Here's your hangover coffee. Drink it first before having your breakfast. Nang mabawasan iyang sakit ng ulo mo."
Umupo siya sa silyang katapat nito at pinanood itong higupin ang kape. Mukhang inaantok pa rin si Patricia dahil buong oras ng pag-inom nito, nakapikit lang ang mga mata ng dalaga.
"Nasaan si Itay?"
"Nasa karinderya n'yo na." Pinatong niya ang isang siko sa ibabaw ng mesa habang sinasalo ng palad ang baba niya.
Naalala kaya nito ang nangyari kagabi? Hindi niya mapigilang hindi maging kuryos. Mukhang normal lang naman ang kilos nito, kaya baka wala rin itong maalala.
"Patti?"
Nag-angat ito ng tingin mula sa tasa ng kape. "Hm?"
"Ang hot mo kagabi." Kinindatan niya ito bago ngumiti. "Mas gumaganda ka kapag namumula ang pisngi mo at namumungay iyang mga mata mo."
Napatigil siya sa nakuhang reaksiyon mula sa babae. Hindi niya inaasahan na ngingitian siya nito.
Kadalasan kasi sa mga probinsiyanang babae, mamumula ang pisngi at mahihiya matapos bigyan ng papuri ng mga katulad niya, pero naiiba nga talaga si Patti.
"Ikaw rin. Ang hot mo rin kagabi." Kinindatan din siya nito bagay na ikinalaki ng ngiti sa kaniyang mukha.
Nang bumalik ito sa paghigop ng kape, bumaba ang paningin niya sa suot nito. Iyon pa rin ang suot nito kagabi. Pajama na may print ng Hello Kitty, pero ang nakakuha ng atensiyon niya, ang dalawang butones nito sa itaas na nakabukas.
"Ang sexy mo sa damit na iyan."
Ngumiti ang babae. "I know."
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatitig dito. Nakapikit na uli ito pero patuloy pa rin sa pag-ihip at pag-inom ng kape.
Bumaba ang paningin niya sa kulay rosas nitong mga labi. Napalabi siya nang muling maalala kung gaano iyon katamis. Kung dahil ba sa kinain nitong chocolate cupcake o sa alak na ininom ay hindi niya sigurado, ang alam lang niya, matamis ang mga labi nito at sigurado siyang hahanap-hanapin niya.
"Patti?" Umungol ito bilang tugon. "Want some hotdogs? Or eggs?"
Inabot niya ang plato ng prinitong itlog ni Miyong. Akmang dudukwang siya para lagyan ng ulam ang plato nito, nang muli itong magsalita.
"Ayaw ko sa eggs. Hotdog ang gusto ko. That long and tender juicy hotdog."
Natigilan siya at napatingin sa suot niyang denim shorts na bumubukol ang harap. Nakatingin doon si Patti kaya hindi maiwasang hindi mag-isip nang iba.
Nakagat niya ang ibabang labi para mapigilan ang sarili na ngumiti. "Patti?"
"Yes?" Ngayon ay namumungay naman ang mga mata nitong tumitig sa kaniya.
"You're not dreaming. This is real. Nasa hapagkainan tayo at umaga na."
Napansin niyang biglang natigilan ang babae. Naglaho ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng pagtataka ang reaksiyon sa mukha.
Maya-maya ay marahan nitong ibinababa ang hawak na tasa habang lumilinga sa paligid.
"W-wala ako sa fantasy land?" Kumurap-kurap pa ito at napakamot sa batok.
Nakangiti niyang inilapit ang mukha rito upang matitigan ito sa mga mata, at saka marahan na umiling.
Ang kanina'y pagtataka na makikita sa mukha ni Patti, mabilis na napalitan ng takot at labis na kaba. "H-hindi ito panaginip? T-t-totoo ka?"
Natigilan siya nang mabilis itong tumayo at nagmamadaling pumanhik sa itaas. Wala na siyang nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang dalaga hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Pigil ang ngiting ibinalik niya ang paningin sa plato ng lutong hotdog. Kaya naman pala ang tapang nitong tumugon sa mga sinabi niya, buong akala nito ay nananaginip pa rin ito.
Samantala, namimilog naman ang mga mata ni Patti habang nakatitig sa mahabang salamin sa kaniyang harap. Kitang-kita niya roon ang magulo niyang buhok, namumulang mukha at nangingitim na ilalim ng mga mata.
"Hindi iyon panaginip?" Inipit niya ang buhok sa magkabilang tainga saka kinagat ang ibabang labi.
Marahan niyang nilingon ang sahig kung saan may kaunti siyang alaala na naiwan sa isip niya.
"P-pati ang kiss . . . totoo?" Malakas siyang napasinghap bago tinakpan ng isang palad ang bibig.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Gusto niyang magtatalon sa hiya, kilig at inis, pero hindi niya magawa dahil yari sa kahoy ang kanilang sahig. Paniguradong mararamdaman ni Andriano ang paglindol ng bahay kung saka-sakali.
Patakbo niyang nilapitan ang pinto at agad itong kinandado. Hindi na siya lalabas! Hindi na uli siya aalis ng silid niya hangga't hindi umaalis sa bahay nila ang lalaki!
———
UMISMID si Patti matapos suklayin ang basa niyang buhok. Katatapos lang niyang maligo at ala-una na rin ng hapon noong mga sandaling iyon.
"Ano ba kasing nangyari, anak? Bakit ayaw mong bumaba? Kailangan pang makaalis ni Andriano para lang bumaba ka at maligo."
Umiirap siyang nag-iwas ng mukha. Ayaw niyang sabihin dito ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Paano naman niya masasabi sa sariling ama na nakipag-inuman siya kagabi sa bisita nito? Tapos naghalikan pa sila sa sahig ng kuwarto niya, at kanina lang, nakipaglandian siya rito!
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang maalala ang mga nangyari. "Wala, itay! Huwag nga kayong makulit!"
Tumayo siya at nagmartsa pababa ng hagdan. Kailangan pa niyang mag-bake ng cupcakes para ipadala sa batchmate at best friend niya noong highschool na may-ari na ngayon ng isang bakery. Habang wala pa siyang trabaho ay ito ang pinagkakaabalahan niya para kahit papaano ay kumita.
"Bakit ka ba nagkakaganiyan, anak? Ang weird-weird mo!"
Nakaarko ang isang kilay nang sulyapan niya ang ama. "Weird-weird ka diyan, `tay. Bagets lang ang peg?"
Sinimulan niyang ayusin sa ibabaw ng mesa ang mga gagamitin para sa pagbi-bake. Naghanda rin siya ng malamig na milo at egg pie na natagpuan niya sa loob ng ref.
Ganoon na lang ang pagkatigil niya nang makita ang chocolate cupcake sa loob. May ilang piraso pang natitira doon. Mariin siyang pumikit at marahas na umiling nang muling maalala ang guwapong mukha ni Andriano, pati na ang mga nakakahiya niyang ginawa.
"Ugh!" Sinabunutan niya ang sarili at ilang ulit na pinaghahampas ang ibabaw ng mesa gamit ang kanang kamay. "Sira ka, self! Sira ka talaga!"
Magkasalubong naman ang mga kilay ni Miyong habang nakatingin sa anak. Naiiling na lang ito sa ipinapakita niyang kilos.
"O, sige. Magpaka-weirdo ka pa, Patricia. Kaka-kdrama mo iyan." Umiiling itong nagpaalam at tumungo na sa nakabukas na pintuan ng kanilang bahay.
Ikinuyom ni Patti ang kamao at malakas itong hinampas sa mesa. "Oh, e, ano naman ngayon kung nalasing ako kagabi? Nasa loob naman ako ng sarili kong pamamahay! At ano naman kung nag-kiss kami?"
Mariin siyang lumunok matapos sabihin ang salitang, "kiss". Kagat ang ibabang labing bumalik siya sa ginagawa kanina.
"Walang masama kahit makipaglandian pa ako sa kaniya! Wala naman akong inaagrabyadong tao! And it's not as if he's married, right? Saka wala rin naman sigurong malisiya sa kaniya ang makipaglandian sa akin? Katuwaan lang. Walang malice. Kaya ikaw, Patricia Garcia, huwag kang OA!"
Padabog niyang ibinaba ang wooden spoon at mabilis na ininom ang isang baso ng milo na puno ng ice cubes.
Makalipas lang ang mahigit kalahating oras, abala na siya sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes. Saka naman pumasok sa nakabukas na pintuan ng kanilang bahay si Andriano.
Nagtama ang mga mata nila nang mabaling sa kaniya ang paningin nito. Dagli itong natigilan bago sumilay ang malaking ngiti sa mga labi.
"Hey! What are you doing?" masigla nitong tanong nang tuluyang makalapit sa kaniya. Nakatutok ang mga mata nito sa red velvet flavored cupcakes.
"Gumagawa ng cupcake," simple niyang tugon.
Tumango-tango ito. "Is there anything I can help?"
Matapos ilagay ang pangatlong batch ng cupcakes sa loob ng kahon, binalingan niya ang susunod na anim na kanina niya pa hinihintay na lumamig.
Umarko pa ang mga kilay niya nang makita ang mga mata ni Andriano. Titig na titig ito hindi sa mga mata niya, kundi sa kaniyang mga labi.
Mariin siyang lumunok. Naalala kaya nito ang kiss nila? O siya lang ang nakaalala? May mga pagkakataon pa naman na nakakalimot ang mga tao kapag nalalasing.
Umismid siya saka inabot ang canvas pastry bags. "Wanna put some icing on my cupcakes?"
Nagkatitigan sila matapos niyang itanong iyon. Mahahalatang natigilan si Andriano bago sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
Siya naman ay ilang ulit na napakurap. Parang may ibang meaning yata ang mga salita niya. Bakit ganoon ang dating niyon?
Nahinto siya sa pag-iisip nang makita ang pagpipigil ni Andriano na ngumiti. "I would love to."
Matapos magsuot ng apron, tinulungan na nga siya ni Andriano sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes niya. Dahil sa dalawa na silang kumikilos, madali na lang nilang natapos ang paggawa.
Pagdating ng ama niya ay muli itong lumabas para i-deliver ang mga kahon ng cupcakes.
"Cheers!" nakangiti niyang sabi matapos itaas nang bahagya ang baso na puno ng alak.
Itinaas din ni Andriano ang hawak na baso bago inisang lagok ang alak sa loob.
"Paano mo nakuha ang ibig kong sabihin?" tanong nito matapos sumubo ng isang piraso ng beef.
Palihim siyang napangiti dahil doon. Ang tinutukoy nito ay ang mga palihim na tingin nito sa kaniya matapos ng hapunan kanina. Paulit-ulit nitong tina-tap ang ibabaw ng mesa at kulang na lang ay ngumiti sa tuwing nagkakatitigan sila.
Ang totoo'y hindi niya talaga nakuha ang gusto nitong iparating, pero nagbabaka-sakali siya kanina na makikita ito sa kusina kaya tahimik siyang bumaba. Halos dumoble ang t***k ng puso niya nang makita nga itong nakatayo sa tabi ng mesa habang nakatingala sa hagdan, tila hinihintay siya.
"Ako pa. Madali lang basahin ang galaw mo, ano? Masiyado kang obvious." Nagmamalaki siyang ngumiti.
Napatango naman ito, tila namamangha. "Oh, really? Madali lang talaga?"
Sumubo siya ng siopao na nabili ng ama niya kanina, bago tumango nang ilang ulit sa tanong ng lalaki. "Oo nga."
Mula sa pagkakaupo, biglang tumayo si Andriano na ikinatigil niya. Buong akala niya ay aalis na ito, pero dala ang baso at bote ng alak, nilapitan siya nito saka naupo sa kaniyang tabi.
"Kung ganoon ako ka-obvious, alam mo na ring gusto kita?"
Natigilan siya sa pagsubo nang marinig ang sinabi nito. Nakapatong ang isang braso nito sa sandalan ng upuan at nakaharap sa kaniya.
Relax, Patti. Relax. Landian lang iyan! Ganiyan silang mga babaerong guwapo na galing sa Maynila. Akala nila, lahat ng babae, magkakagusto sa kanila. Chillax ka lang! Go with the flow!
"Gusto mo ako?" Pilit siyang ngumiti rito.
Matamis na ngumiti si Andriano. Buong oras ay nakatuon lang sa kaniya ang paningin nito. "Yeah, I like you."
Mahina siyang tumawa at saka ito tinanguan. "I like you too."
Sandali naman natigilan ang lalaki. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata na para bang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo.
"No, you got it wrong. Hindi lang kita basta gusto, gustong-gusto kita, Patti. I want your cupcake."
"Cupcake?" Hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi ng binata, pero siyempre, hindi siya papatalo. "Gustong-gusto rin kita, Andriano. I want your hotdog, and your two eggs."
Tuluyang naglaho ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Natigilan din siya nang makita ang reaksiyon nito. Namali ba siya ng intindi? O nasobrahan siya sa joke?
Naibaba niya ang hawak na siopao at plinanong mag-sorry dito, pero ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman ang palad nito sa likod ng kaniyang ulo, at ang buong puwersa paghila nito sa kaniya para mahalikan siya sa labi.
Sandali lamang iyon, dampi lang pero ramdam pa rin niya ang lambot ng mga labi nito at ang lasa ng alak na ininom ng lalaki. Wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi nang maghiwalay ang mga labi nila.
"When I said that I like you, this is what I meant."
Sa pagkakataong iyon, ito na ang kusang naglapit ng mukha sa kaniya at muling hinuli ang mga labi niya.
Isang baso pa lamang ng alak ang dumadaloy sa dugo niya, pero hindi niya alam kung bakit parang init na init siya at tila walang takot sa katawan.
Tumugon siya sa halik ni Andriano hanggang sa ang light kiss, ngayon ay naging torrid.
Flirt-flirt lang ito, walang seryosohan. Walang malisiya. Sa pag-alis ng lalaki, matatapos doon ang ugnayan nila.