HUMIGPIT ang hawak ni Andriano sa kamay niya kaya nabaling sa lalaki ang paningin niya. Umiling siya rito. "W-wala akong ginagawa." Halos manginig ang katawan niya matapos mabasa ang nilalaman ng papel. Mabilis na nagbalik sa kaniyang isipan ang ginawa niya noon kay Maggie. Matapos nilang makuha ang nude photos nito, pinakalat niya iyon sa mundo ng social media. Ibig sabihin, ang kumuha ng video nila ni Andriano, ay may kinalaman tungkol sa ginawa nila noon kay Maggie? "Don't worry, I'll take care of everything. Sisiguraduhin kong mahahanap natin ang mga tao sa likod nito." Mariin siyang lumunok bago ngumiti sa lalaki. Niyakap siya nito kaya kahit papaano, nakaramdam siya ng ginhawa. Naisip lang niya, hindi kaya si Maggie ang may kagagawan nito? Kumuyom ang mga kamay niya. Hindi tala

