NATIGILAN si Ada nang bumungad sa babae ang nakangiti niyang mukha. Alam na ng katulong ang lahat ng nangyari, maging ang pagbabalik niya gamit ang pangalang Tricia Silvantes. Pumasok siya sa loob ng entrance hall at saka nakangiting pinagmasdan ang kabuuan ng receiving area. Huminga pa siya nang malalim. "Ah, it's been a long time!" Nilingon niya si Ada na hanggang sa mga oras na iyon, tulala pa ring nakatitig sa kaniya. Bumaba ang paningin nito sa kaniyang kabuuan, hindi makapaniwalang ngumiti. Nakasuot siya ng white b*****e crop top at pencil cut white skirt na hanggang tuhod niya ang haba. Bakat na bakat sa tela ang p***t niya dahil hapit ang skirt sa kaniyang baywang. Hawak naman niya sa isang kamay ang branded clutch bag habang puno ang magkabilang braso niya ng mamahaling alahas.

