"Say whatever you want, hindi magbabago ang plano ko. Kulang pa na kabayaran iyon. Kulang na kulang pa para sa lahat ng ginawa mo." "Ginawa ko? Ano ba ang ginawa ko? Pinoprotektahan ko lang si Andriano at ang aming pamilya! Wala akong ginagawa sa iyo!" Humalakhak siya sa mga narinig. "Dahil sa inyo ni Maggie, nalaglagan ako ng anak! Babagsak kayong dalawa, sabay ko kayong pababagsakin! "Wala akong kinalaman sa nangyari sa iyo!" Tumaas ang tinig nito, dinuro pa siya habang nanlilisik ang mga mata. "Kilala ko ang babaeng iyon! Hindi makagagawa nang ganoong bagay si Maggie nang nag-iisa! Tinulungan mo siya!" Lalo niyang nilapitan si Hilda, buong tapang na sinalubong ang namimilog nitong mga mata. "Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!" Umikot ang mga mata niya at naiiling na binaling ang

