Natigilan siya sa nasaksihan. Sa loob ng ilang minuto, naramdaman niya ang pamamanhid ng buong katawan niya, na para bang tinurukan siya ng anesthesia. Nang dumaan ang ilang sandali, saka lang niya naramdaman ang paninikip at pagkirot ng dibdib. Nang muling bawiin ni Tricia ang mga labi, nang-uuyam nitong nginitian si Marina. "My fiancé doesn't want you in his life. F*ck off, stupid b*tch!" Hinawakan nito sa kamay si Sergio at hinila paalis doon, subalit agad itong natigilan nang makita siya. Maging si Sergio ay napahinto rin nang matuon sa kaniya ang paningin. Ilang minuto silang nagkatitigan ni Tricia. Gusto na niyang lumuhod at magmakaawa sa paanan nito para lang sumama sa kaniya. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kung makikita pa itong kasama ng iba. Natigilan naman ang lahat sa lo

