Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya nang makita ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi ni Carol. "Baby, I found your ring. Nalimutan mo na naman sa desk mo kanina." Itinaas ni Carol ang isang silver ring, natigilan siya nang makitang may suot din itong singsing sa ring finger nito. "Malandi ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili, mabilis niyang dinaluhan ng sampal si Carol kasabay ng pagsabunot dito. Napatili naman ang babae. Hindi nito inasahan ang ginawa niya kaya agad itong naestatwa at nawalan pa ng balanse, dahilan para bumagsak ito. "Malandi ka! Malandi! Tingnan natin kung hanggang saan iyang k*******n mo!" Umupo siya sa ibabaw ni Carol at paulit-ulit itong pinagsasampal gamit ng isang kamay, habang ang isa pa ay nakasabunot sa buhok nito. "Maggie! Itigil mo iyan!" Mab

