"Oh, Arnold?" Kunot ang noong umiling ang dalaga. "Please, don't mention him. Nakakainis ang lalaking iyon. Napakalamya sa kama, jutay pa!" Kumuyom ang mga kamay niya sa narinig na sinabi nito. Napaka-insensitive talaga ng babae kahit kailan. Nagagawa nitong sabihin ang mga iyon kahit alam nitong best friend niya si Mae-Mae. "Sit down. Kumain ka muna." Sinimulan nito ang pag-aayos ng kama. Naglagay rin ng bagong sheet at makapal na kumot. Siya naman, nanatili sa kinatatayuan. Walang ganang pinanood ito. Hindi niya alam kung matutuwa siyang may boyfriend na ito. Ibig sabihin kasi niyon, mas maliit ang tiyansa na pagdiskitahan nito si Andriano. "Grabe talaga si Mahal. Alam mo ba? Simula nang lumipat kami rito, wala na kaming ginawa kundi gawin iyon!" Pabebe itong tumawa habang naiiling.