BUMUKAS ang entrance ng airport at lumabas si Tricia na agaw pansin sa mga taong nasa paligid nito. Sa tangkad niya at sa suot na floral print red jumpsuits ay litaw na litaw ang makinis at maputi niyang kutis. Hinubad niya ang suot na shades at taas ang noong luminga sa paligid. She's back in the Philippines. Finally, matapos nang halos tatlong taon, nasa lupang sinilangan na uli siya. "Pumunta muna tayo sa hotel. You need to take some rest." Itinaas niya nang bahagya ang kaliwang kamay habang sinusuyod ng tingin ang paligid niya. "No need. I want to talk to him, now." Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Sergio sa baywang niya, iginiya siya nito patungo sa itim na kotseng naghihintay sa kanila. Matapos ang mahigit isang oras at kalahati ng pagbibiyahe, dumating sila sa isang b

