"Sasabihin ko na kung sino talaga si Mrs. Red." Nagbuga ng hangin si Patti matapos makabalik sa kanilang unit mula sa mahigit dalawang oras na pakikipag-usap kay Aldrin. Buong akala niya, tuluyan na siyang maliliwanagan oras na nalaman na niya ang pagkatao ni Mrs. Red at natuklasan ang tunay na dahilan ng galit nito sa kaniya. "What would I do?" Nanghihina siyang napaupo sa dulo ng kama. Mas lalong naging komplikado ang lahat. Hindi niya inaasahan na ganito kalalim ang pinag-ugatan ng galit sa kaniya ni Mrs. Red. Mariin siyang pumikit bago may naisip. Tumayo siya at nagmamadaling lumabas muli ng condo. Nagtungo siya sa pinakamalapit na department store at namili. Masama pa ang pakiramdam niya, pero gusto niyang gawin ito. Gusto niyang mapangiti si Andriano. Alam niya na oras na nasi

