PADABOG na isinara ni Maggie ang pintuan ng unit niya matapos makapasok sa loob. Naiirita siya sa babaeng si Patti. Halos umusok ang butas ng mga ilong niya sa galit. "Ang kapal ng pagmumukhang tanggihan ako?" Huminga siya nang malalim bago tumungo sa kitchen at kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos makita ni Patti ang singsing na ipinagawa niya, mahinahon nitong ibinalik ang box ring at kalmadong tinanggihan siya. Ngumiti pa ito at sinabing wala itong panahon sa mga walang kuwentang bagay. Marahas niyang ibinaba ang baso na may lamang tubig. "Tingnan lang natin, Patricia. Dahil itong walang kuwentang bagay na ito, ang magpapaluha sa iyo." Natigilan lang siya sa iniisip nang maramdaman ang presensiya ng isang taong sa paligid. Sa paglingon niya, bumungad sa kaniya si Andriano, mataman