NATIGILAN ang lahat, lalo na si Tricia, nang bigla niyang nilapitan ito at hinubad ang suot niyang blazer suit saka itinakip sa katawan ng babae. "What are you doing, Mr. Villafuerte!" nanggagalaiting tanong ni Tricia habang masama ang tingin sa kaniya. "Wala sa usapan na ganiyan kaikli ang damit na susuotin mo!" Nakasuot ang babae ng dress na hapit na hapit sa katawan nito. Nakabuyangyang na ang cleavage nito at sa sobrang ikli ng damit, kita na rin ang panty nito at maging ang butt cheeks. Umikot ang mga mata ni Tricia. Pinagtitinginan naman sila ng mga tao sa loob ng studio, habang si Sergio ay tahimik lang na nakamasid. "Wala kang karapatan manghimasok dito!" "May karapatan ako, Patricia." Pinandilatan niya ng mga mata ang babae, tila sinusuway itong sumagot pa. "May shares na ak

