NAGLIKHA nang malakas na ingay ang pagbagsak ng kopita sa sahig. Nabasag iyon at nagkalat ang maliliit na basag na baso. Hindi magawang magsalita ng lalaki habang nakatitig sa mukha niya. Binabalot siya ng matinding inis, pulang-pula rin ang kaniyang mukha sa galit. "Tinanggihan nila ang alok natin? At bakit? Hinainan natin sila nang magandang deal! Doble ang handa kong ibayad sa kanila! Bakit pa sila tumatanggi?" Kinuha niya ang tasa ng tsaa saka ito muling itinapon. Hindi naman makatingin sa kaniya si Doro. Sa isang maling galaw lang, paniguradong mapagdidiskitahan niya ito ng galit niya. "Sa tingin ko, may kinalaman si Patti sa naging desisiyon nila." Lalong lumalim ang mga gitla sa noo niya. "What? At bakit mo naman nasabi iyan?" "Ayon sa isang tao natin, nakipagkita nang palihim

