Gulat niyang nilingon ang asawa. Marahan siyang umiling dito sa mga sinabi nito. "Hindi kita iniwan, ako ang iniwan mo." "Dahil nakikipagkangkangan ka na kay Maggie!" Bigla itong tumayo at pinagtulakan siya papalayo. "Umalis ka! Alis! Ayaw kong makita ang mukha mo!" Pumatak ang isang luha sa pisngi nito bago siya tuluyang tinalikuran at nagmartsa papalayo. Paano niya magagawang hayaan itong umalis sa hitsura nitong iyon? Susunod sana si Sergio sa babae pero bigla itong natigilan nang mabilis niya itong lagpasan at sinundan si Tricia. Naabutan niya ang babae sa parking lot ng restaurant. "I need to talk to you." Saktong nahawakan niya ito sa kamay bago pa man makapasok sa loob ng sasakyan. "Bakit hindi ako ang kausapin mo?" Binawi ni Sergio ang kamay niyang nakahawak sa babae, pero ma

