NAKITA ni Andriano kung paano dumilim ang mukha ni Sergio. Sa pakiwari niya ay susugurin na siya ng lalaki at susuntukin sa nakikitang galit sa mga mata nito. Natawa na lamang siya at marahang umiling. "Bakit? Magagalit ka?" Kalmado niyang ibinalik sa loob ng bulsa ang panyo at inayos ang pagkakaupo niya. Ni hindi siya nag-abalang itago ang ginawa nila ni Tricia sa ilalim ng mesa. Hell, kung puwede lang angkinin na niya ang asawa roon, ginawa na niya. And he didn't give a damn. "Alam kong gusto mong makapasok sa kompanya ko, Sergio Fortalejo. My wife is playing fire with me to get you a position in my company. Oras na may ginawa ka, mawawalan ng saysay ang lahat ng efforts niya. Mag-isip-isip ka." Dinampot niya ang wine glass at saka marahang sumimsim. Walang nagawa si Sergio kundi ti

