Akala ko ay singsing lang ang regalo niya sa akin, but I was wrong. Dahil pagkapasok namin ng cabin ay may isang malaking box ang nakalagay sa kama na agad na kinaliwanag muli ng mukha ko sa excitement. “Open it, princess,” he said. Mabilis na akong lumapit sa kama at agad na binuksan ang box. Pagbukas ko ay dalawang set ng sleepwear ang bumungad sa akin na parehong kulay wine red—panlalaki at pambabae. Ibig sabihin ay para sa amin dalawa! "Oh, I love this, Kuya! We're matching again!" I laughed, unable to hide my excitement. Every time he came home from another country, he never forgot to bring home matching sleepwear for us. It had become one of our little traditions, something so simple, yet so precious. Kahit simple lang na ganito ay ang saya-saya ko lagi kasi matchy-matchy kami.

