ILANG oras din akong nakakadena, inalis lang ni Vaughn sa katawan ko nang sumapit na ang lunchtime at kailangan ko nang kumain. Inalis na rin niya ang pagkakaposas ng mga kamay ko at pinaupo ako sa kama. Pinilit niya akong subuan ng pagkain. Pero imbes na kumain ay iniwas ko lang ang mukha ko at hindi binuksan ang bibig. “Magugutom ka kapag hindi ka kumain,” mahinahon niyang sabi pero may diin naman sa boses. Hindi ako sumagot, hindi ko rin siya tiningnan, basta nakayuko lang ako at hindi ko pa rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napahinto naman siya nang makita ang pag-iyak ko at rinig ko ang pagpakawala niya ng mabigat na buntonghininga bago ibinaba saglit sa kama ang plato na may pagkain. “Tahan na.” Hinawakan na niya ang mukha ko gamit ang kaniyang dalawang mga kamay at marahan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


