Blythe MATAGUMPAY akong naitakas ni Sir Tristan sa Isla. Naitakas niya ako mula sa kuya niya na hindi na nakamalay pa sa aming pag-alis. Inuwi ako ni Sir Tristan sa kaniyang condo na nasa Makati. Masaya ako at lubos na nagpapasalamat sa kaniya dahil nakalaya na rin ako. Makakapasok na ako muli ng school sa pasukan at makikita ko na muli si Kuya para maitanong ko kung totoo bang nagkautang siya ng 150 million kay Vaughn. Pero ang saya ko ay biglang naglaho nang ihatid na ako ni Sir Tristan sa bahay namin ni Kuya kinabukasan. Nagulat na lang ako sa aking nadatnan, dahil wala na ang sementado naming bahay. Talagang walang natira, kahit mga gamit sa loob katulad ng washing machine at iba pa ay wasak na wasak lahat. Nagkalat ang mga basag na semento. Ang tanging natira na lang ay ang apa

