NAPAKAGAAN NG pakiramdam ni Temarrie nang magising nang umagang iyon. Napasarap yata ang tulog niya kagabi. Nang kumilos siya upang tingnan sana ang orasan ay doon lang niya napansin kung bakit masarap ang init na hatid ng pakiramdam niyang iyon. Malapad na dibdib ni Jubei ang kinahihiligan niya. Sa isang braso nito siya naka-unan habang ang isang braso nito ay kampanteng nakayakap sa katawan niya. Ang braso man niya ay nakayakap din dito.
Jubei moved and gently pulled the blanket up her body. They were sharing the same blanket?! Magpa-panic na sana siya subalit tumangging gumalaw ang kanyang katawan. Tila ba natatakot na magising ang lalaki. So, they stayed that way for a while. Siya naman ay hindi na magawang makatulog pa. Batid niyang dapat na siyang lumayo rito pero talagang ayaw makipag-coordinate ng katawan niya. idagdag pa na parang sarap na sarap siya sa pakiramdam sa mga bisig nito.
Oh, well, tulog naman ang lalaki kaya sige, pagbibigyan na lang niya ang kanyang kapritso. Tiningala niya ang mukha nito. There was already a trace of the early growth of beard on his chin and jaw. But instead of ruining that face of an angel, nakadagdag pa iyon sa appeal nito. Now he looked like the rugged angel in the morning. He stirred to life. At nang magmulat ito ng mga mata ay siya agad ang una nitong nakita. Ilang segundo rin silang nanatiling nagtititigan hanggang sa tila mahimasmasan sila pareho.
Mabilis silang naghiwalay at bumangon. Isang nakaka-ilang na katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos. Gusto na niyang sigawan ang sarili. Nakakahiya! Baka isipin nitong gustung-gusto niya ang nangyaring iyon. Teka, wala namang nangyari, ah. Kaya ano ang dapat niyang ikahiya?
“Bakit nasa kama kita, Misis? Ginapang mo ba ako kagabi habang natutulog ako?”
“Hoy, ang kapal ng mukha mo. Wala kang ebidensya kaya huwag kang mag-akusa dyan. Baka ikaw ang nagbuhat sa akin at nagdala dito sa kama.”
“Bakit ko naman gagawin iyon?”
“Bah, malay ko sa iyo.”
Saglit itong natahimik. “Kunsabagay, maaawain naman talaga ako. Sige, puwede ka ng matulog dito sa kama ko.”
Hindi na, ‘no? Baka kung ano pa ang magawa kong kabulastugan sa susunod. Mabuti na ang sigurado.
“Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng sarili kong kuwarto?” tanong niya rito. “Tutal naman pareho nating ayaw ng may katabi.”
“Bodega na lang ang isa pang available room dito. Okay lang sa akin kung gusto mo dun matulog.”
“Kagabi sahig, ngayon naman bodega. Hindi ba uso sa iyo ang mga guest rooms? Ang laki-laki nitong bahay mo tapos iisa lang ang kuwarto mo.”
“Sabi mo nga, hindi uso sa akin ang guestrooms. I always like my privacy. Ikaw lang ang pinapasok ko rito. Sapilitan pa. Kaya huwag ka ng mag-request ng kung ano-ano.”
Walang guestroom? Kung ganon diretso sa kuwarto nito ang mga babaeng dinadala nito rito?
“This is what I am,” patuloy ni Jubei. “Not because I married you doesn’t mean I’ll change just to please you. Tandaan mo, six months lang ang itatagal ng relasyong ito kaya hindi ko na kailangang mag-adjust para sa iyo.”
Nilingon niya ito. “Ang sama mo talaga. Bakit ba ako pumayag na magpakasal sa iyo?”
Nilingon din siya nito. “Hindi ba’t dahil sa pera?”
“A, oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala—“ Nagulat siya nang hawiin nito ang mahaba niyang buhok na nakatabon sa kanyang mukha. “What are you doing?”
“Do you always look like this in the morning?”
“Yes.” Asar niyang tinapk ang kamay nito. “Not because I married you doesn’t mean I’ll change just to please you. Tandaan mo, six months lang ang—“
“Cute.” Kinurot nito ang kanyang pisngi. “But that’s already my line.”
Hindi na siya nakahirit pa dahil tuluyan na itong bumangon at nagtungo sa banyo. Sinalat niya ang pisngi na kinurot nito. Hindi iyon masakit. In fact, para ngang lumapat lang doon ang mga daliri nito upang madampian ang kanyang pisngi. Pero bakit naman iyon gagawin ng lalaking iyon?
“Ganito ba siya bumati ng good morning?” Kakaiba. But it was kinda cute for a gesture. Lalo na at galing iyon sa lalaking itinuring niyang kaaway noong una pa man. “Hoy, Temarrie Icasiano, ano iyang iniisip mo, ha? Ang aga-aga, kung saan-saan na napupunta ang imagination mo.”
Dinampot niya ang kanyang cellphone nang makita iyong umilaw, indikasyon na may incoming call siya. It was her father.
“Good morning, hija. Tinawagan lang kita para kumustahin. Okay ka lang ba riyan? Baka may kailangan ka pang mga gamit, ipapdala ko na lang sa isa sa mga katulong natin--”
“I’m fine, Pa.” Ngayon narinig niya ang tinig ng ama, bumalik na naman ang nauna na niyang pagtatampo rito. Hindi pa rin niya matanggap na basta na lang siya ipinamigay ng kanyang pamilya nang hindi inaalam kung ano talaga ang problema niya. “Okay lang ako. Wala akong problema rito.”
“Napanood ko kasi ang kasal ninyo sa morning news kanina kaya naisipan kong tawagan ka. It was a very lovely wedding.”
“Ah, talaga? Mabuti naman,” wala niyang ganang tanong. “Pinaghirapan ninyong asikasuhin ang kasal na iyon kaya dapat lang na maging maganda ang kalabasan niyon, hindi ba?”
Nawalan ito ng imik sa kabilang linya. Ibababa na sana ni Temarrie ang telepono nang marinig niya itong mapabuntunghininga.
“You’re in good hands now, hija. May mag-aalaga na sa iyo nang maayos.”
“And how did you know that? Nakasama nyo na ba si Jubei sa iisang bubong bago nyo ako itinambak sa poder niya?”
“Temarrie--”
“Anyway, tinatawag na ako ng asawa ko, Pa. Magbi-breakfast na raw kami.”
“Ganon ba…” Tila kay lungkot ng boses na iyon ng kanyang ama.
“I have to go, Pa.”
“Okay. Ah, siyanga pala, hija. Baka matatagalan pa bago uli tayo magkita. Pupunta kasi ako sa America dahil may kailangan akong asikasuhin doon. Tatawagan na lang siguro kita paminsan-minsan.”
“Sure, Pa.”
“Temarrie, I know you’re mad at me. Pero gusto kong malaman mo na ginawa ko ito para sa kabutihan mo na rin.”
Gusto na niyang sagutin ito, sumbatan na wala itong karapatang magdesisyon para sa kanya. Buhay niya iyon at matanda na siya para magdesisyon sa sarili niya. Subalit sinarili na lang niya ang lahat ng iyon.
“I know, Pa.”
“Temarrie—“
“Nagugutom na ako, Pa. Tawagan na lang ninyo ako kapag nasa America na kayo. Ingat sa biyahe.”
Tinitigan niya ang cellphone matapos nilang mag-usap ng ama. Maaayos pa kaya ang sigalot nilang iyon sa kanyang pamilya? Hindi na siguro.
“Sino ang tumawag?” tanong ni Jubei paglabas ng banyo.
“Papa ko.”
“Ah, tumawag din pala siya kagabi.”
“Kagabi?”
“Tulog na tulog ka na kaya ako na ang sumagot nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone mo. Nasabi na ba niya sa iyo?”
“Ang pagpunta niya sa America? Oo…” Isang tingin lang niya sa kabuuan ni Jubei ay nawala na siya sa iba pa sana niyang sasabihin. “Puwede ba, Mister, kapag magkasama tayo sa iisang kuwarto, huwag kang lalabas ng banyo ng nakatapis lang? Dinidemonyo mo ang utak ko.”
“Huwag kang mag-alala. Naka-board shorts ako.”
Kasabay ng pagtanggal nito ng tuwalya ay ang pagtili ni Temarrie. Naka-mahabang bulaklaking shorts nga ang mokong.
“The heck was that?”
“Disappointed?”
“Ang sarap mong batuhin nitong kama.”
Muling sumilay sa mga labi nito ang ngisi na unti-unti niyang nakakasanayang kainisan. “Okay lang ako, Misis. Kung gusto mo ring demonyohin ang utak ko, wala kang magiging problema sa akin.”
Binato na nga niya ito ng unan saka siya nagmartsa palabas ng kuwarto.