"BAKIT AKO, Jesse?" walang kakurap-kurap na tanong ni Maria sa binata. Ayaw niyang paasahin ito lalo na at priority niya ang sariling problema. Ayaw na muna niyang pasukin ang pag-ibig lalo na sa kalagayan niya ngayon. Ayaw 'man niyang sabihin iyon dahil alam naman niya sa sariling masaya siya pagkasama ito ngunit hindi niya puwedeng pagtuunan iyon ng pansin, "Hindi tayo bagay Jesse dahil may mga anak ako." masakit ngunit pinilit itong sabihin ni Maria, muli nagpatuloy siya, "Maraming babae dyan na mas nababagay sa'yo. Yuong kapareho mong walang sabit na 'di tulad ko na may asawa." pagpapaintindi niya sa binata. "Kasal ako kay River at gusto kong makahanap ka nang katulad mo." Kahit kinukurot ang dibdib niya dahil alam niyang sa sarili na mahal na niya si Jesse. "Hindi kita tinataboy Jesse