TAHIMIK NA nakaupo si Maria nang biglang may nasagi ang mga mata niya. Biglang tumaas ang dugo niya at nag blanko ang pag-iisip niya. Pero pinakatitigan pa niya nang mabuti kung tama ba ang nakikita niya. Handa na siyang makita ang mga ito ngunit...bakit mahinang mahina siya pag-anak na ang pag-uusapan? Walang abog na tumayo kaagad siya sa kinauupuan. Mabilis na napatingin sa kaniya si Jesse. Mabilis na kinabig ni Maria ang upuan palayo. "Calm down first, Maria." ani Jesse na agarang kinapitan siya sa baraso. At dahil nagliliyab ang mga mata niya habang nakatingin sa kalayuan. Bumaling din ng tingin doon ang binata. Doon nito nalamam ang ikinagagalit niya. "Please sit down. Hindi ba't nag-usap na tayo about diyan?" pakiusap nito, "Kung gagawin mo 'yan masisira ang plano natin. Huwag