KABANATA 26: "HINDI NGA AKO NAGSESELOS!" paulit-ulit na depensa ko. Tumango-tango siya habang malapad pa rin ang ngiti sa labi. "Kung hindi ka nagseselos, then just tell me why you're here?" Napatitig ako sa mga mata niya. Kagaya ng dati, naka-block pa rin ang nakaraan niya mula sa akin. Kaya niyang hindi ipakita ang kaniyang nakaraan na ipinagpapasalamat ko dahil kaya ko siyang titigan. Binasa ko ng aking dila ang pang-ibabang parte ng aking labi. "G-gusto ko lang sanang itanong k-kung. . ." Nagkibit-balikat ako. Shet, hindi ko masabi ang gusto kong sabihin! "Ano?" tanong niya. "Ahm, ano kasi 'yung tatay ni. . ." "Ni?" Nanliit ang mga mata niya. "Iyong t-tatay ni Nomi, ano---aray!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa akin. Tangina ang sakit! "S

