NAHIRAPANG matulog si Cassandra dahil sa kakaibang ambiance ng study room. Pakiramdam niya ay maraming matang nakatingin sa kaniya. Naroon pa ang malalaking painting ng kung sinong musician. Mag-uumaga na’y gising pa ang kaniyang diwa. Kung hindi pa siya nagdasal ulit ay hindi siya makatulog. Sumisikat na ang araw nang magising siya. Hindi pala niya nahawi ang kurtina sa glass window kaya lumusot ang sinag ng araw at tinamaan siya sa mukha. Tinatamad pa siyang bumangon at tila ba may isang kabang bigas na nakadagan sa kaniyang katawan. Mamaya ay narinig niya ang tinig ni Stefan, may kausap. Akala niya’y sa cellphone lang ang kausap nito pero umalingawngaw na rin ang tinig ni Lola Isabela. Ginupo na siya ng kaba. “Nasaan si Cassandra?” tanong ng ginang kay Stefan. “Uh…. n-nandito lang