BUSY sa office work si Stefan at hindi ito nagpapa-distract kahit anong daldal ni Cassandra. Kinakausap niya ito tungkol kina Sasha at Donie pero wala man lang ni isang komento. Magkatabi lang ang table nila at may isang dipa ang pagitan ngunit tila hindi nito nararamdaman ang kaniyang presensiya. “Nagugutom na ako. Puwede na ba ako magpabili ng lunch?” mamaya ay sabi niya. Nakatutok pa rin ito sa monitor ng laptop. “Bahala ka,” anito. Hindi man lang siya nito sinipat. Tinawagan na lamang niya ang driver ni Stefan at pinapunta roon sa opisina. Mabilis naman itong nakarating. Kulang ang perang dala niya kaya kinalabit niya sa braso si Stefan. “Baka may cash ka r’yan,” aniya. “Tingnan mo sa wallet ko.” Ayaw nitong magpaabala. Tumayo siya at binukatkat ang bag nito na nasa bakanteng sil