HALOS madikit na ang katawan ni Cassandra sa kama sa bigat ng kaniyang pakiramdam. Tila ba siyang nabugbog at nanakit ang buong katawan niya. Alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa siya makabangon. Wala na si Stefan sa kaniyang tabi, malamang ay nasa opisina na. Bahagya siyang nahilo kaya nagsumikap siyang bumangon at kinuha ang glucose monitor niya. Nang malamang bumagsak na ang glucose niya, kaagad siyang kumain ng chocolate. Mabilis naman ang epekto nito kaya nakakilos siya nang maayos. Naligo na siya pero dahil walang sinabi si Stefan na papasok siya sa opisina, hindi na muna siya aalis ng bahay. Pagdating sa kusina ay naghalungkat siya ng makakain. Merong garlic rice na naluto at daing na bangus. Hindi siya nag-alangang kumain nang maraming kanin dahil mababa ang glucose niya. Sira u