Chapter 57

1620 Words

HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD