PINANINDIGAN na ni Cassandra ang kaniyang kalokohan. Talagang hindi niya binalik sa daliri ang kaniyang wedding ring. Kinabukasan ay galit na galit na si Stefan at talagang ayaw siyang paalisin ng bahay. “Bakit ba? Ano naman kung wala akong suot na singsing?” maktol niya. Nag-aalmusal na sila at hindi kasama si Lola Isabela. Sopas lang kasi ang almusal nito at abala na sa paghahalaman sa hardin. “Ayaw kong maging isyu pa ‘yang singsing, Cass. Maraming tsismosa sa kumpanya, lahat napapansin. Mainit pa ang gulo kahapon, baka isipin nila maghihiwalay na tayo dahil hindi mo suot ang singsing,” palatak nito. “Asus! Ang babaw naman ng dahilan. Takot ka lang husgahan ng mga tao, eh.” Lalong nairita si Stefan, nanlisik na ang mga mata. “Magseryoso ka naman, Cass. Respect our marriage, and do