KINABUKASAN ng Biyernes ay muling binisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Hindi pa ito pinapauwi ng doktor dahil hindi pa stable ang puso nito. Dinalhan niya ito ng ginawa niyang fruit salad na walang artificial sweetener, wala ring cream. Hindi pa nasasabi ni Stefan sa ginang ang tungkol sa pagbubuntis niya kaya hindi ito aware. Ayaw rin muna niyang sabihin. Maaring hindi pa nag-sink in sa kukoti ni Stefan ang lahat, o baka natatakot itong sabihin sa ginang. Alam nito na pipilitin ito ng ginang na panagutan siya, at mauudlot na naman ang pagsasama nito at ni Janica. “Paningin ko nagkakalaman ka na, hija. Ano ang mga kinakain mo?” tanong ng ginang. Ayaw nitong bitawan ang kanang kamay niya at gustong pinipisil. “Uh…. mga prutas at gulay lang naman po. Siguro hiyang ko rin ang