_12_ Faith Serenity Alas otso na wala pa si Paul Shalem. Napasulyap ako sa relo para siguruhin na talagang alas otso na pero tama ang huling sulyap ko roon. I frowned and pouted but yaya Patchi came in, carrying my glass of milk. “Gatas na, anak.” “Yaya, still no visitor downstairs?” sinulyapan ko ang yaya ko at umiling naman siya. “No poging lalaki downstairs na may hikaw sa ilong. Anak naman, bakit naman ganoon ang manliligaw mo? Halatang napakababaero, anak.” Lalo akong sumimangot. “Yaya naman. Don’t judge him. Not because he has nose piercing, he’s already a womanizer.” pagtatanggol ko naman kay Paul. I know that he was a womanizer but I want to put my trust to him and never doubt his intention. He was here last night and met my father. Nagpakilala siya