typos and grammatical error ahead! Isang linggo na ang lumilipas pero wala paring nakakalap na balita ang mga inutusan ko tungkol sa kanya. At isang linggo na rin akong hindi lumabas ng bahay. Ni hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga negosyo ko. But I don't care, wala akong pakialam ni isa man sa mga iyon o sa nakapaligid ngayon sa akin dahil mas nakatuon ang isip ko kay Elijah at sa paghahanap sa kanya. "Where are you mi esposa?" Halos pumiyok pa ako sa pagsasalita ko habang nakasubsub ang mukha ko sa counter table sa bahaging iyon ng bahay kung saan ako umiinum ng alak. Wala na akong ginawa maliban sa uminom ng alak habang naghihintay ako ng balita. Wala na din akong ibang sinasagot sa mga taong tumatawag sa akin kung hindi ang taong inutusan ko ang tatawag at iyon lang an