typos and grammatical error ahead!! # 54_The Finale Elijah POV: At the Anderson Place na mismong ginaganap ang kasal namin ni Ace. Na tanging mga kamag anakan lamang ang imbitado. Kung saan noon nagpaputok ng napakaraming fireworks sa unang taon na magkasama namin noon ay doon din ngayon ginanap ang kasal namin. Napapalibutan ng maraming bulaklak na kulay lilac na paborito ko na sinamahan ng iba pang pulang mga bulaklak. Simple lamang ang gaganaping kasal namin dahil ayaw kong kumalat ang balita na ako ang asawa ng isang kilalang businessman. Para maiwasan na din ang mga salita ng ibang tao patungkol sa relasyon namin na pareho kaming lalaki pero mag asawa na. Proud ako na maging asawa siya. At magiging proud ako habang nabubuhay ako na siya ang makakasama ko sa panghabangbuhay. At