typos and grammatical error ahead!! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Tumingin ako kay mama, na siyang sumampal sa akin. "Masyado kang mabait, alam mo ba kung paano ipinahiya ng pinsan mong Ace na iyan ang papa mo sa hospital. Kung nakipag deal ka sana kay papa na ikaw na lang ang ipakasal niya sa asawa niya ngayon di sana sa atin na ang kalahati ng kayamanan ng papa." Mahabang sumbat nito sa akin dahilan para magpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ko kailanman gagawin iyon mama dahil lang sa yaman na iyan. Hindi ako ganid at sapat na sa akin kung ano ang ipinapamahagi sa akin ng lolo." Kalmanteng sagot ko naman dito at hindi ko na pinansin ang panunumbat nito. "Gumawa ka ng paraan Kanye, kung kailangan mong sulutin ang asawa ng pinsan mo ay gawin mo