"Get up, Ziyah, I'm done sa punishment mo for tonight," sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Taas, baba pa rin ang dibdib ni Ziyah, at nakapikit pa rin ang mga mata nito. Mukhang ine-enjoy pa ang pagpaparusa niya rito. Siniguro naman talaga niyang mag-e-enjoy ito. Kanina lang napuno ng maliliit na ungol ni Ziyah ang loob ng dating silid niya. Aaminin niyang mas ginaganahan siya pag naririnig ang ungol ng dalaga. "Zandro," hingal na sambit nito sa pangalan niya nang magbukas ng mga mata at tumingin sa kanya. "Ganito ba lagi ang parusang matatanggap ko?" Ziyah asked in a seductive way. Alam niyang inaakit pa rin siya nito. Nanatili pa rin itong nakahiga sa kama. Nasa harapan pa rin niya ang dalaga na kanina lang ay niyakap at hinalikan niya nang matagal. "No. Not reall

