Kinabukasan sinubukan niyang tawagan ang Mommy niya para kumustahin ito. Paniguradong mainit ang ulo ni Julio ngayon dahil sa pagkatalo nito kay Zandro. Nakakailang subok na siya, pero hindi pa rin sinasagot ng Mommy niya ang tawag, kaya naman ang isa sa kasambahay ni Julio ang tinawagan niya. Hindi kasi siya mapakawali hanggat hindi nakakausap ang ina. Hindi naman siya nabigo ng sagutin ng kasambahay ang tawag niya. "Kumusta si Mommy?" Bungad na tanong niya. Sinabi naman ng kasambahay na halos magwala daw kagabi si Julio dahil sa pagkatalo. Pero hindi naman daw nito sinaktan ang Mommy niya. Kwento pa ng kasambahay narinig daw nito ang pag aaway nina Julio at Wilson. Nagsisigawan daw ang mga ito, dahil malaki daw ang inilabas na pera ng mga ito at natalo lang. Iyon ang nababagay sa mga