“Yeah, I know who you are,” poker face na sagot sa kanya ng babaeng nadatnan niya sa loob ng unit ni Zandro. Wala na yatang hindi nakakakilala sa kanya sa bayan nila, mula nang i-announce sa publiko ang relasyon niya kay Zandro. Paglabas niya ng bathroom kanina, narinig niyang may kausap si Zandro at babae ang boses, kaya kahit tanging towel lang ang suot ay lumapit pa rin siya para malaman kung sino ang bisita ni Zandro. “Buti naman,” nakangiting sabi niya sa tugon sa kanya ng babae. Hindi niya kilala ang babae, walang idea kung sino ito at anong ginagawa nito sa unit ni Zandro. Wala sa tipo ng babae ang magiging isa sa mga babaeng nakakasama ni Zandro. “But, I didn’t expect to see you here,” sabi pa nito at sinulyapan si Zandro na nakatayo sa tabi nito. At muling binalik sa kany

