"Ano? Tatakbo kang Mayor?" Sabay na gulat na tanong ng Papa at Mama niya nang kinabukasang magtungo siya sa bahay ng mga magulang para sabihin sa mga ito ang plano niya. Nakapagdesisyon na siya. Tatakbo siyang Mayor sa bayan ng San Miguel. "Opo, Papa, Mama," sagot niya habang nasa hapag sila at nag-aalmusal. Sinadya niyang magtungo nang maaga sa bahay ng mga magulang para masabi at makapagpaliwanag siya sa biglaang desisyon niya. "Bakit bigla ang pag-iba ng desisyon mo ngayon, Zandro?" Tanong ng Mama niya. "Oo nga naman, Zandro. Hindi ba't ayaw mong tumakbo? Ilang beses na kitang kinumbinsi para tumakbo. Anong nangyari at nagbago ang desisyon mo?" Segunda ng ama. "Nais ko ho sanang subukan. At ituloy ang mga nasimulan niyo po, Papa," sagot niya. Pinag-aralan na niya an

