Matapos nilang kumain nagyayang magtungo muna sa may kabayanan si Zandro para mamili ng mga kailangan niyang gamit sa pag stay nila sa Isla. Sa kanilang paglalakad hawak ni Zandro ang kamay niya, paminsan-minsan inaakbayan siya ng asawa, para maiiwas sa ilang mga taong nakakasalubong. Marami din kasing turista sa isla. Mukhang dinadayo talaga. Bawat mahawakan niyang damit o ano pa man ay nais bilhin ng asawa. Natatawa siya na ewan tuloy. Kaka confessed palang nito sa kanya na mahal siya nito, at heto na todo effort naman itong mapatunayan sa kanya ang sinabi nito, although naniniwala naman siya rito. "Grabe ang daming mabibili dito," sabi niya habang naglalakad pa rin sila ng asawa sa may mga nagtitinda ng kung anu-ano. Nakakaaliw pagmasdan ang mga paninda. "Pwede mo naman bilhin lahat