"Ziyah!" Malakas na sigaw ni Julio sa asawa niyang takot na takot na nakatingin sa hawak na baril ni Julio na sa kanya nakatutok. Alam niyang tinatakot lang siya ni Julio. Hindi siya nito tutuluyan. Isa siyang De Guzman mas makapangyarihan kesa kay Alcaraz. Nanakot lang sa kanya ang matandang Alcaraz, kaya hindi siya masisindak. "Ikaw na bata ka! Kung alam ko lang na ikaw ang sisira sa lahat ng plano ko, hindi na sana kita pinalaki at pinatuloy sa pamamahay ko!" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Julio kay Ziyah. "Ibaba mo iyan Julio!" Tili ni Ziyah. Pansin niya ang panginginig ng buong katawan ng asawa niya. Umigting ang panga niya at lumakad palapit sa asawang takot na takot. Hindi siya natatakot kay Julio, mas nag-aalala siya sa natatakot niyang asawa. "Umuwi ka na sa bahay Ziyah! S