"Mas gugustuhin ko pang mamatay ang babaing iyan, kesa maging masaya siya kasama mo Mayor!" Umiiyak na sigaw ni Nikka sa kanila habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak nitong baril. Nanatili namang nasa likuran niya ang asawa na nanginginig na sa takot. "Stop this Nikka! Hindi tayo dapat umabot sa ganito! Mas lalaki ang kaso mo! Sa ginagawa mong ito pwede kang mapaalis sa pwesto mo bilang Vice Mayor!" Sabi niya kay Nikka na wala na nga yata sa katinuan. Alam niyang marami ng tinakot at sinaktan na babae si Nikka, pero lahat ng mga iyon ay mababa rito. Hindi niya inakala na pati siya at si Ziyah na mas makapangyarihan rito ay magagawa nitong pagbantaan. "No, Mayor kakasuhan mo pa rin naman ako. Balewala na sa akin kung makulong ako at mawala sa akin ang lahat. Ang mahalaga mawala an