SEVENTEEN: "Tama na ang minsan..." AGARAN ang pag-iling ni Lindsay sa magulang. She couldn't just leave here, couldn't just leave the city, her best friend, her work, and of course, her boyfriend. “Hindi po pupwede, pa. Alam n'yo namang hindi ko kikitain sa baryo ang laki ng kinikita ko rito sa Siyudad 'di ba?” "Aanhin mo ang malaki-laki mong kita dito sa Siyudad kung hindi ka naman ligtas at nangangamba kami ng papa mo sa maaaring mangyari sa iyo," anang kanyang ina. “Say, sang-ayon ako sa mga magulang mo. Tama ang papa at mama mo. Sumama ka na sa baryo ninyo dahil mas ligtas ka kapag naroon ka sa inyo at malapit ka sa pamilya mo,” marahang ani Baste naman. Nilingon niya ang nobyo. “Pero pa'no ka?” “Ayos lang ako dito. From time to time, pupuntahan at bibisitahin nalang k