TWENTY-TWO: "Excuses and lies." 'YON na nga ba ang sinasabi ni Baste kaya hindi niya mapagtapat at masabi-sabi ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Nag-angat ito ng tingin at nakitang malayo na ang tingin niya at seryoso ang mukha na tila ba may malalim na iniisip. Iniisip talaga niya ang magiging reaksyon nito oras na malaman na nito ang totoo... "Kaya, ikaw Baste, 'wag na 'wag mong susubukang magsinungaling sa akin at lokohin ako ha? Subukan mo lang talaga!” pabirong banta pa nito. And God knows he got struck by so much guilt… Oh, Lindsay... Buong loob na sinalubong niya ang mga mata ng minamahal habang seryosong-seryoso siya. “Ang totoo niyan, may dapat akong sabihin sayo, Say.” Oras na nga talaga para malaman nito ang lahat. Sasabihin na niya! Sume