SIX: "Umiiwas." SABADO ng umaga at walang pasok sa opisina kaya nag-general cleaning ang magkaibigang sina Lindsay at Adriana sa kanilang apartment. Kapwa hindi sila makakauwi bukas ng hapon sa kanilang baryo dahil kapos pa sa budget at sa susunod na linggo pa darating ang kanilang mga suweldo kaya maglilinis na lamang muna sila ng buong paligid ng tinitirahan. Nagwawalis si Lindsay ng sahig sa sala nang bigla siyang tinawag ni Adriana na ngayon ay abala naman sa pagpupunas ng mga bintana. “Dali, sis. Kailangan mong makita itey!” anito. Kahit wala sa mood at tinatamad ay lumapit pa din siya rito. Nang makarating sa tabi nito ay kaagad nitong itinuro ang katapat na bahay. Lumabas mula roon si Baste na may kasamang babaeng mukhang 17 years old lamang! Pinanuod niya ang pa